Monday, December 22, 2008

maranao na victim ng iligan bombing...

...maranao na kasama sa mga biktima ng iligan bombing...hindi binisita ni Pres.Gloria, bakit kaya sa palagay mo??? dahil muslim ba sya?
ang isa pang nakapagtataka tuwing may mga bombing na muslim ang suspek(as always)...kasunod ng pangalan ng suspek ang katagang 'muslim'...pero itong biktimang mga muslim...ni minsan hindi ko narinig ang katagang biktimang muslim...pati abs-cbn at gma7 lumilitaw ang pagka anti muslim...
nasa news ng abs-cbn ngayon...dalawang bomb natagpuan sa isang lugar sa iligan...may sketch pa silang nakuha....at take note narinig pa daw and dalawa na nagsasalita ng salitang maranao....???
ano ba naman yan kuya...gasgas na ang drama....
imagine hindi lang nakita ang mukha...narinig pang nag uusap...nakaka praning na talaga...

Sunday, December 21, 2008

iligan bombing

...dec.18,2008...dalawang bomba ang hiwalay na pinsabog sa iligan city....killing 3...Erwin Suico, 20, from Pugaan village; Jonas Badelles, 22, from Poblacion village; and Aisah Bashier from balindong lanao del sur, who died at Iligan Medical Hospital.

...ayon sa balita dalawang muslim na lalaki ang salarin....
pano kaya nalaman agad???
nakunan daw sa cctv camera...hinintay ko sa tv ang balita...pinanood ko at ito nakita ko...



bilang isang muslim...halos kinalakihan ko na paano magsuot ng kimon...pero don sa nakita ko 100 % sure ako na hindi muslim yon...para silang kasama sa stage play ng 3 kings...
itim na turban pa ang ginamit na hindi ginagamit ng mga lalaking muslim...
kung sino man ang may pakana ng bombing na ito...isa lang ang masasabi ko...gusto ninyong sirain ang matagal nang sinirang imahe ng muslim...
ganitong ganito ang nangyayari sa zamboanga at basilan...pag may government scandals dina divert ninyo ang attention ng mga tao...
pag kailangan ng malaking intel fund ?ganon din...muslim palagi ang may kasalanan...